Saturday, January 12, 2008

Mag-Aksaya Tayo ng Kuryente sa Opisina!

panay reklamo sa opisina. kaya para makaganti, nag-aaksaya sila ng kuryente. iniiwan nilang bukas mga pc nila bago sila umuwi. para magbayad daw ng malaking kuryente. yun na lang daw ang pinakaganti nila.

nakatira tayo sa isang third world country. kundi uling, gumagamit din tayo ng gasolina na gumagawa ng kuryente sa atin. hindi tayo mayaman sa langis. binibili pa natin iyon sa ibang bansa. kapag mas maraming kuryente tayong ginagamit mas malaki ang pangangailangan natin sa gasolina. kaya yung dapat na ipasweldo din sayo palabas pa ng bansa napupunta at magtutulak din ito ng pagtaas ng bilihin.

oo baliw ako.

pero kung gusto mo talagang gumanti sa opisina. mag-aral ka gamit ang pasilidad nito. paglabas mo magiging mas marami ka nang alam.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home