Saturday, January 12, 2008

mayabang kasi laki sa katulong.

mga fast food dito, pagkatapos kumain ng mga tao iniiwan lang yung basura sa mesa nila. laki sa katulong e. iiwan yun para may trabaho yung maglilinis. kaya din ba tapon na lang tayo ng tapon kung saan saan? para may gawin mmda? idura bubblegum para may kiskisin yung janitor. yung mga ganyang simpleng bagay na pwedeng tayo na gumawa gawin na lang natin. guilty din naman ako sa fast food hanggang sa nakita ko yung isang australiano pagkatapos nyang kumain bitbit nya yung tray nya sabay tapon ng basura nya sa basurahan. akala ko dati trabaho ko yon. nakakahihiya lang. mas may malasakit pa sya kaysa sa akin. pero may maipagmamalaki na ako ngayon sa kanya moite!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home