Saturday, January 12, 2008

angelican

my angelican notes from caritas justitia fortitudo:

the true measure of success is not me being the best but having classmates better than me.
It all starts with you and ends with everybody elses.

charity starts at home.
dont be a hypocrite.

dole outs on the other side without helping first your people is not a charitable deed (its tax exemption but you prefer to call it csr). take care of your people first and it will be resonated by your people (they will voluntarily give back to community. in other ways they really SHOULD). - if you do the former it would just create a ripple, if you help the closest beside you, a tsunami.

hey neo, it's not enough that you took the pill. you make it a point that everybody do.

Mag-Aksaya Tayo ng Kuryente sa Opisina!

panay reklamo sa opisina. kaya para makaganti, nag-aaksaya sila ng kuryente. iniiwan nilang bukas mga pc nila bago sila umuwi. para magbayad daw ng malaking kuryente. yun na lang daw ang pinakaganti nila.

nakatira tayo sa isang third world country. kundi uling, gumagamit din tayo ng gasolina na gumagawa ng kuryente sa atin. hindi tayo mayaman sa langis. binibili pa natin iyon sa ibang bansa. kapag mas maraming kuryente tayong ginagamit mas malaki ang pangangailangan natin sa gasolina. kaya yung dapat na ipasweldo din sayo palabas pa ng bansa napupunta at magtutulak din ito ng pagtaas ng bilihin.

oo baliw ako.

pero kung gusto mo talagang gumanti sa opisina. mag-aral ka gamit ang pasilidad nito. paglabas mo magiging mas marami ka nang alam.

pa-presyo

maraming taong naghihintay lang ng mga taon, hanggang sa mamatay ang boss nila para sila naman ang papalit. o di kayay dumagdag lang ang taon ng eksperyensa para maganda sa papel panggamit sa paglipat sa ibang opisina.

eksklusive

AYAW na ayaw ko ang exclusivity. ayoko din ng special treatment. kaya ayaw ko rin ng mga exclusive subdivision. ayoko rin ng proprietary software.
preferential ito. sa aking palagay lang naman lahat ng bagay dito e. hehe.

*paunawa: ang kalahatan ng blag na ito ay makikita lamang sa pamamagitan ng password. LOL

laruan

makikita mo RIN sa laruan ng bata kung bakit sya napunta kung saan na siya ngayon.

kaya ang mga babae e may pagkadomesticated -> chef dahil sa lutu-lutoan. hygienic -> OC-OC dahil sa laruang makeup-kit/b4rb13. malambing -> maharot dahil sa stuff toy/teddy bear.

at ang mga batang lalaking egotistic na hindi pa rin lumalaki hanggang ngayon. dati kotse-kotsehan lang. ngayon araw araw nakipagkakarera (gamit kotse ng daddy nya.. hoy 35 ka na bili ka ng kotse kahit second hand. mahiya ka naman niyayabang mo yang kotse ng daddy mo). baril barilan (ngayon kahit masakit magkapasa makapagyabang lang na a4d nila ang ganong laruan). at kung anu-ano pa.. ang mapapansin mo lang nagmamahal lang ang kanilang mga laruan.

(update:) at dahil dyan sa laruan na yan ng lalaki mo, hindi mo pa makikitang ikasal si |3aRb!e anytime soon.

mayabang kasi laki sa katulong.

mga fast food dito, pagkatapos kumain ng mga tao iniiwan lang yung basura sa mesa nila. laki sa katulong e. iiwan yun para may trabaho yung maglilinis. kaya din ba tapon na lang tayo ng tapon kung saan saan? para may gawin mmda? idura bubblegum para may kiskisin yung janitor. yung mga ganyang simpleng bagay na pwedeng tayo na gumawa gawin na lang natin. guilty din naman ako sa fast food hanggang sa nakita ko yung isang australiano pagkatapos nyang kumain bitbit nya yung tray nya sabay tapon ng basura nya sa basurahan. akala ko dati trabaho ko yon. nakakahihiya lang. mas may malasakit pa sya kaysa sa akin. pero may maipagmamalaki na ako ngayon sa kanya moite!