Friday, February 01, 2008

magkano nga ba ang text?

magkano nga ba ang text?

walang bayad ang text. walang bayad ang text dati... Hindi dahil promo ito. Iisa pa nga lang ang kumpanyang nagpakilala sa atin ng GSM. Yung unang may Caller ID, yung pwede kang magpadala ng mensahe ng libre. May taon din yun, bago nagsimulang magkatrapik dahil sa mga quotes at jokes hanggang sa umabot na dapat bago mag-ala-sais ka magpadala ng mga eto dahil mamaya mahirap na dahil gising na silang lahat. Hanggang sa naging piso. Hindi pa rin tayo tumigil. Kahit na hindi pa tayo una makapagpadala ng mensahe sa ibang network dahil mas sakim ang pangalawa. Yung mahilig mang hack ng analog network sabay aalokin na lumipat sa kanila. Sakim man sila, nautakan pa rin sila ng pinakamalaking kumpanya ng de-linyang telepono dito. Na kahit kaliwat kanan ang utang at pangit ang pagkakahawak dito e namumuno sa lahat. Dahil pinapaboran ng gobyerno ang monopolya. Hindi pa rin tayo tumigil dito. Tayo na pinakamadumi, pinakamausok, pinaka-laganap ang kurapsyon, may mall riyan at rito e pinagyayabang pa nating nagpapakasasa tayo sa text at naging text capital ng mundo. 1.39 bilyong text sa isang taon. May pera kasi tayo siguro kaya afford nating magpakatanga.

Sa pagkukumpara kung gaano kalaki ba ang impormasyong pagpapadala gamit ang sms.

Laki ng text (pinalaki ko na ito para sa header)
160 bytes
0.15625 kb

Presyo ng text
160 bytes/Php 1.00
1 cent for 1.6 bytes

Presyo ng MMS
82 kilobytes (83968 bytes)/Php 2.50
1 cent for 335.872 bytes

Presyo ng Internet, dahil hindi sa kunsumo ang batayan, kundi sa bilis. (384kbps @ 999 a month)
16809984 kbpm ( 17213423616 bytes)/Php 999
1 cent for 172306.5427027027027027027027027 bytes

magpadala ng isang kanta sa pagpapalagay na 4MB (4096kb, 4194304bytes) ang isa neto
Internet Php 0.24
MMS Php 12,487.80
SMS Php 2,621,440.00
USPS (US postal service) Php 4,917.50

nabasa ko ito sa (the true price of sms)

at may pag-aaral dito na wala naman talagang dapat bayaran, dahil kasama na talaga sa operating cost ng mga telco ang pagsend ng text. parang signal lang. kung gusto talaga nilang may bayad ang text - dapat pati pag may signal ka sa isang oras e may bayad na din...

FIND: "I know the true cost of SMS messages!"

0 Comments:

Post a Comment

<< Home